Tuesday, December 22, 2009

THE YELLOW HYPE IS DYING

Hindi magtatagal at matatauhan na ang mga tao sa kawalang kapasidad at kakayahan nyang si Noynoy na pamunuan ang bansa. Ano mang pilit ng mga columnista, taga-media at kanyang pamilya na karapat-dapat na mamuno yang si Noynoy sa bansa, lalabas at lalabas din ang katotohanang mali ang mga pinasasasabi nila.

Ngayon pa lang, nanginginig na ang tuhod ng mga sumusuporta dyan kay Noynoy. Bagaman nangunguna pa rin yun sa huling survey, malaki ang ibinaba ng kanyang rating. Hindi magtatagal at maiiwanna na siya ng ibang mga kandidato. Marami na sa kanyang mga dating taga-suporta ang lumipat na sa ibang kandidato. Tapos na ang dilaw na kalokohan. Malapit na.